Wednesday, April 18, 2007

IV-BOYLE TRIBUTE

It's been two years na kami'y nan-iiba
Pinaghalong Arkodemonz at Pigza
Nagsama-sama sa iisang section ang mga sira
May matitino't mayroon ding walang'ya.

Attention of all teachers are on us
Kasi araw-araw silang nababanas
Iba't-ibang pasaway ang kanilang sinasaway
Nag-aaksaya lang sila ng pagod pati na laway.

No one can beat the students of IV-Boyle
Kahit na maghalo pa ang water at cooking oil
Walang makakatalo sa aming ingayan at kalokohan,
Nangunguna din sa kopyahan at kodigohan.

Binubuo kami ng iba't-ibang nilalang
Iba't-ibang kabulastugan at sosyalan,
May mahilig maghada, may laging nagpapatawa,
Nakakabasag ng eardrum 'pag ang lahat ay pinagsama.

Ngayong dumating na ang huling taon ng mga pigza
Eto na ang huling taong pagsasama,
Kaya mga astiging IV-Boyle, magsi-angat na!!
Huling taon sa MNHS, tayo na't magpakasaya!!!!!

Monday, April 16, 2007

IV BOYLE(poem for my highschool friends)

BOYLE ang pangalan ng aming section
We are the most wackiest in the nation
We are the teacher's center of attractions
Dahil lage namin nilalabag ang mga school rules and regulations

Mula sa kwarentay unong sangkatauhan
Kami ay trentay dos na lamang
Dahil ang mga iba ay hindi nakayanan
Dahil na rin sa mga titser naming nambabagsak ng walang pakundangan

Ngunit kahit ganun pa man ang nangyari
Meron namang kapalit ang mga natsugi
Mas malala ang mga nadagdag sa aming kaharian
Mas lalong tumindi ang aming kapangyarihan

Iba't-ibang nilalang ang bumubuo sa aming samahan
May mukhang tao at meron ding mukhang basahan
Nagsama-sama ang mga promotor ng kalokohan
Kaya naman lagi na lang kaming napapagalitan

Mula kay Jojo na hari ng kabulastugan
Sunod kay wiLLiam at Nico na puro kabaklahan
Tuloy kina Biason, Rechelle, Sarah, Duero, Polly na reyna ng kaingayan
At kay Jofa at Bebang na mga source ng kasagutan

Meron ding isang grupo ng kalalakihan
Ngunit hindi sila gaanong ka-gwapuhan
Sila ang mga tinatawag na Mushroom Boys
May mga sariling mundo itong mga kolokoyz

Meron ding grupo ng mga Maria Clara
Nagngangalang Erika at Amalia
Meron ding grupo na kumpleto ang pamilya
Nag-ngangalang Danica, Heidee, LoveLy, Ivy at Melna

Gellin, Daisy, Jen Buen at Diana
Grupo ng mga kikay, mga mahihilig rumampa
Samantala sina Gesille, Rose Ann at Rosa
Hindi ko mawari kung anu ang trip nila

Ngayo'y kami ay nasa kolehiyo na
Nawa ay lahat kami ay nakapagbago na
Dahil kahit ganito kaming mga loko-loko
Kami ay may ibubuga sa buong mundo