Wednesday, November 4, 2009

SAMA NG LOOB

Dito ko ibubuhos
Lahat ng aking saloobin
Dito ko isusulat
Lahat ng gusto kong sabihin
Bakit maraming taong manhid?
Bakit maraming taong ang hirap intindihin?
Wala silang pakialam kung nakakasakit na sila
Wala silang pakialam sa damdamin ng iba.
Bakit ba kung mas mataas sila sa'yo,
Ganun-ganun ka nalang nila itrato?
Di nila alam na meron na silang nasasagasaan,
Di nila alam na meron na silang natatapakan.
Mga pinaghihirapan mong ginagawa,
Para sa kanila ito'y balewala.
Mga bagay na ginawa mo sa abot ng iyong makakaya,
Para sa kanila ito'y isa lamang basura.
Wala silang pakialam sa'yo,
Kasi hindi ka naman nila kaanu-ano.
Pakialam ba nila kung nasasaktan ka,
Mamaya sabihin nila, "Sino ka ba?!".
Pinuna nila masasamang ugali mo,
Kasi gusto nila na ika'y magbago.
Kung magsalita sila, akala mo perpekto,
Pare-pareho lang naman tayong mga tao.
Mga taong kaya kang ipahiya,
Kapag nakatalikod ka sasabihing, "Wala akong pakialam sa kanya!"
Kapag kausap mo na sasabihin, "Ingat ka".
Ipakita mo sa mga tao na mahalaga sila,
Sasabihin nila O.A ka.
Sabihin mo sa mga tao na importante sila,
Sasabihin nila, madrama ka.
Oo nga naman, bakit mo nga ba naman sila pipilitin
Na ika'y tanggapin.
Sino ka ba para kaawaan nila?
Sino ka ba para pagtuonan ng atensyon nila?
Minsan nasasaktan ka, hindi nila alam,
Ba't mo pa sasabihin eh wala nga silang pakialam!
Minsan iiyak ka kasi nag-away kayo,
Sila ang may kasalanan pero sila pa rin ang lalayo.
Iiwasan ka nila, masasaktan ka,
Di ka kasi sanay na ginaganun ka.
Tapos itatanong mo sa kanila, "Bakit po ba?"
Sasabihin nila, "Wala lang", "ewan", "di ko alam", "malay ko ba".
Mga kasagutang paulit-ulit.
Mga katanungang laging pinipilit.
Gumugulo sa isipan kaya nagmamakaawa,
Sagutin naman nila!! wag naman puro wala!!
Minsan parang ika'y nagdududa,
Pinakisamahan ka ba talaga o,
Ayaw nilang malaman mo na ika'y walang kwenta.
Na isang gago na palaging ginagago,
At isang tanga na lagi nalang pinagmumukhang tanga.

Date written: July 2007

No comments:

Post a Comment